Marso 8, 2008
Napaka-importante ng pagbibigay depinisyon sa karakter sa sinusulat. Sinubukan kong isa isahin ang lahat ang mga tauhan na kailangan para sa Pasakalye, sa isang upuan lamang. Puwede nang makagawa mula rito ng mga piling eksena, i.e. lahat ng mga defining moments ay tutuhugin mo na lang sa routine ng biyahe.
Ang estilong ito ay nakalap ko mula sa masinsing pagbasa ng kuwentong "Arriverderci" ni Fanny Garcia. Isang bus na patungo sa mga tourist attractions ng Italya ang itinampok. Sakay nito ang mga Pinoy na domestic helpers, babae't lalaki. Lahat ng mga pasahero'y binigyan ng "pan to" treatment bago tumutok sa iilang tampok na tauhan lamang, si Nelly, na dating researcher sa Pilipinas; si Ester, na dating accountant, at si Vicki, ang dating elementary teacher. Epektibo sa akin 'yung pagdiriin ng narratibo sa alterity ng mga tauhan, lalo na si Vicky, na bago naging domestic helper ay isa munang ulirang guro. Na nagkamit ng parangal para sa labing limang taon niyang serbisyo, at nagising na ang kapalit lang pala ng lahat ng iyo'y isang piraso ng papel na hindi naman makakatulong sa pag-ibsan ng kahirapan ng kanyang pamilya. At pagkaraan, noong domestic helper na siya'y huhulaan sa bus ride ni Ester, makakaibigan ni Nelly, magagahasa ng amo, at mamamatay. Maliwanag ang "tapos na" na naibigay na hula ni Ester ay pag-aanunsiyo rin ng teksto na fixed o markado na ang kapalaran ni Vicky para sa malagim na katapusan. Hindi siya natulungan ni Nelly, na naging abala sa sarili niyang mundo, sa sarili niyang nosyon ng paglalakbay. Pagkaraan ng pangyayari, mga kapwa Pinoy rin ang mag-aayos ng pag-uwi ng bangkay at pagtatakda kung aling bersiyon ng kamatayan ang sasabihin sa kaanak. Dito na talaga ako natuwa sa teksto. Ipinakita nito ang fictive at fictionalizing impulse ng mga domestic bodies na ito pagdating sa pagproproteksyon ng diwa kung bakit sila nasa Italya at wala sa Pilipinas: sila ang tanging inaasahan ng mga pamilya, sila ang huwaran sa paggawa, at hindi nila aangkinin ang katotohanan dahil ayaw nilang masira ang illusyon. Kaya't si Vicky ay ipinalabas na namatay sa car accident. At hindi rin kinalimutan na sa San Isidro, si Vicky hindi si Vicky, kundi si Bising.
Sa Pasakalye, lulan ng van ang mga katawan/mga tauhan na may kanya kanyang pagsisino. Nais kong ipakita na habang binabaybay ng sasakyan ang highway at nadaraanan nito ang
“tila milya milyang niyugan at parang, bukirin at tumpok tumpok ng mga kubo, mga pampublikong eskuwelahang nabakante dala ng bakasyon, mga limot na bayaning pinuluputan ng baging, mga simbahang matitikas ang tindig” linalabusaw ng kilos ng sasakyan ang mga tanawin, pero kasabay nito, pinalilinaw na kahit “sari-saring idyllikong tanawin na ang kanilang nalampasan” ang mga katawan/mga tauha'y patuloy sa pag-eexist at pagpasok sa walang humpay nilang mga "defining moments".
Heto ang listahan:
Antonio – malakas humilik, hindi nagtotoothbrush, ginigiik ang ngipin kapag tulog, nagslesleepwalk at sleeptalk
-- mabilis na mabilis kumain na akala mo sundalo, binubudburan ng suka at sili ang bawat subo, malakas kumain ng kanin, madalas magmidnight snack lalo na kapag stressed, minsan, maglalagay lang ng hilaw na itlog sa ibabaw ng kanin, na ikinapipikon ng asawa dahil sumasakit ang tiyan pagkatapos. napagtiyatiyagaan ang sunog na luto ng asawa.
-- umiinom para mag-unwind, para magkalakas loob na magsabi ng totoo (subtitle: mang-away)drinks with buddies and close relatives, sometimes alone, para makatulog
-- level of discomfort: ayaw na ayaw niyang pumunta sa mga pormal na lugar kagaya ng mga hotel, hindi kumportable sa pagsusuot ng maayos na damit, hindi mahilig manood ng play, film, o anumang art event dahil mababa ang tingin niya sa mga artists na karaniwa’y tinuturing niyang pretensiyoso.
-- “ang driver ng pamilya, ang FPJ ng barkada, ang maaasahan”
-- drives almost 60% of his life, spends a lot of time on the road. Secret wish – to get away from it all
-- pivotal character na puwedeng gamitin para makita ang ugali – si Vito, ang kasamahan niya sa Dubai na dati niyang kaaway pero naging kaibigan niya; si Glenda, ang dati niyang asawa; si Serge, ang kapatid niya na mas successful sa kanya
Defining Moment: Kausap niya si Serge sa cellphone, nasa aircon shop siya at pinapaayos niya ang Ford ng kapatid. Nagtatanong siya sa text kung kailan sila pupunta ng Duty Free. Hindi sumasagot si Serge. Tatawagan niya ang kapatid, walang balak na manumbat, pero they end up fighting.
OR
Pauwi na siya sa Pilipinas, at nasa airport na siya ng UAE. May madaraanan siyang inspektor. Babae at lalaking guwardiya, na mag-iinspeksiyon ng bagahe. Magtataka ang babae kung bakit ang dami niyang bitbit pauwi at ang gulo gulo ng kanyang bag. Sasabihin niya, "I just want to go home, my father just died..." A look of sympathy will pass between the local female guard and Antonio. Lalayo sandali 'yung lalaking guwardiya. Bubulong ang babae kay Antonio, "you pass..." Effusive thanks.
Jo – naglalaway sa unan, kayang matulog sa pagitan ng mga masisikip na espasyo, gumigising tuwing madaling araw para magsulat (kapag determinado) o para magbasa (kapag depressed) o para maglaro ng solitaryo (kapag may iniisip).
-- mahilig sa patatas at Coke kaya ututin, very healthy appetite, mas gusto niyang nagkakamay, has insecurity eating at fancy restaurants because she is intimidated by all the silverware, naoobvious din na hindi siya mayaman dahil sa kanyang table manners, sa kabila nito gusto niyang makita siya na urbanisada, dahil madalas ring matagpuan sa mga coffeeshop kasama ang mga kaibigang bading
-- allergic sa alcohol at iniiwasang uminom dahil hinihimatay siya
-- level of discomfort: ayaw na ayaw dumalo sa gathering ng pamilya nina Antonio, lalo na kapag kasama si Serge dahil sa tingin niya, binebeybi ng pamilya si Antonio; ayaw na ayaw rin niyang nagpupunta sa mga PTA meetings dahil makakasalubong niya ang mga high and mighty mothers -- “ang writer, ang ma-angst na artist, ang tita kong tulog nang tulog, ang prinsesa”
-- thinks and daydreams a lot, cannot focus, spends a lot of time arranging her things and looking for lost items, accusatory. Secret wish – to be single again and have her own room and spend her own money
-- pivotal character na puwedeng gamitin para makita ang ugali – si Emilia, ang nanay niyang dating accountant na naging housewife at pirmeng may problema sa mga kapatid ni Jo; si Froilan, ang ex niyang bading; si Karina, ang book publisher na lagi niyang pinapangakuan, si Mr.Payawal, ang dekano, ang multo ng tatay niyang hindi niya makasundo.
Defining Moment: Pinag-uusapan ng dekano at ng immediate boss niya ang request niya for an extension, naaawa ang boss niya pero firm ang dekano na hindi na siya dapat pagbigyan, tatawagin siya sa loob at sasabihing hindi aprubado ang kanyang request for leave, pigil na pigil ang kanyang galit, pag-uwi sa bahay, masusunog niya ang niluluto, mabubulyawan si Hero at aawayin si Antonio. Later, kapag nahimasmasan na, magsosorry sa anak at asawa.
Wanda – uses many pillows to elevate her back because she does not want to hear her own self snoring, reads her favorite paperback romance novel before sleeping or does a few crosswords, sleeps at 7 pm and wakes up at 4 am.
-- loves buro and inihaw na isda, likes to eat alone watching Heidi
-- hates her father’s drinking one or two beers on the sly, cannot stand alcohol
-- level of discomfort: hates going to the movies, hindi matagalan ang mga pelikulang “nakakaawa” ang tauhan; hates going to the airport dahil nalulungkot lang siya pagkatapos pero ayaw niyang ipakitang nalulungkot siya.
-- “ang dakilang ina, ang martir, ang babaeng gagawin ang lahat para sa mga anak”
-- daydreams a lot, esp. about her most ardent suitor, and ends up feeling guilty, so she cleans the entire house
-- pivotal character: si Gonzalo, ang pinaka-close niyang kapatid na laging nagbabail out sa kanya; si Tess, ang best friend niya sa bangko na “pumayag” sa pagdispalko niya ng pera; ang Mamang, na idol niya
Defining Moment: Kausap ang credit collector at maiinis dahil nagbabayad naman siya at magiging resentful siya sa asawa niyang hindi nagpapadala ng remittance on time; maninigarilyo at papatayin ang yosi kapag kaharap ang anak na si Alexi
OR
Kausap niya ang presidente ng assosasyon ng subdibisyon, at itinatanong niya kung kailan ibig ni Wanda na dalhin ang santo intierro sa kanyang bahay.
OR
Pinapaliguan niya ang aso at maalala niya noong dinala siya sa presinto, kinulong nang dahil sa estafa, bunga na rin ng biglang paglaho ng financial support sa asawang OFW, binisita ni Antonio, at naiyak silang magkapatid sa pagkakita ng isa't isa.
Paquito – uses only one pillow (should be new, the cover should be fresh out of the sun), hogs the blankets, prefers to sleep alone in the bed because nanununtok sa katabi
-- can be picky about the food he eats, loves smoked turkey slices and green grapes, mahirap paligayahin sa luto dahil mas marunong siyang magluto kaysa kay Wanda
-- madaling malasing, likes flavored mineral water
-- level of discomfort: hates coming home to the Philippines and seeing his sons na lumalayo sa kanya taon taon, hates reunions dahil sa palagay niya hindi naman siya loser pero dala ng pangangailangang maging padre de familia hindi niya napursue ang pangarap niyang maging piloto
-- “Bokalites, ang lalaking mahiwaga, ang tatay na nagdidisappear”
-- likes to shop and canvas small items, madalas mahuli ng boss na nakikipagchat, mahilig makipagdate sa mga Filipina nurse
-- pivotal character: si Mitzi, ang kabit niya sa abroad na madalas tumawag sa bahay nila pero hindi kumikibo; si Alexi, na mababa ang tingin sa kanya dahil wala siya bilang ama; ang nanay niyang si Atanasia, si Sandy na kasamahan niya sa abroad at alam ang lahat.
Defining moment: Nanghihingi ng pera ang kabit niya. He makes up an elaborate lie, which Wanda believes hook, line and sinker.
Alexi – used to be a bedwetter, and can sometimes accidentally leak, lalo na kung stressed siya, malikot matulog, very late kung makatulog because he spends a lot of time watching dvds
-- hates the smell of bagoong, patis. Cannot stand eating vegetables. Loves hotdogs and canned sardines.
-- drinks with his barkada lalo na kung masama ang loob, naglalabas ng hinanakit
-- level of discomfort: hates parties with maarte girls, hates old people, hates small talk esp. with well meaning teachers
-- “ang batang sensitibo, ang artist, ang problem child, ang punkista”
-- likes to shoplift, vandalize, rip songs. Nalulugod kapag may nasasaksihang disaster, accident o anumang “malas”, kasi sa tingin niya vinvindicate ng mga occurences na iyon na walang Diyos.
-- pivotal character: ang guidance counsellor na bading na very concerned kay Alexi, ang highschool teacher niya sa Creative Writing na bilib kay Alexi sa mga tula nito, si Carol, ang babaeng matagal na niyang gustong ligawan pero hindi niya malapit lapitan
Defining moment: Sees his father meeting his lover. (Gusto ko swak din ‘yung meeting place, gas station restaurant sa North Expressway, breakfast sa Jollibee o KFC)
Dave – ayaw nang tumabi sa mama niya, mas gusto niyang may sarili siyang kama, can only sleep kung katabi niya ang banana pillow niya
-- very appreciative of food, can eat anything, kahit na burong talangka
-- secretly wants to lose weight dramatically, kaya umiinom ng diet pills
-- level of discomfort: sensitive about fat jokes, cries kapag nasosobrahan na sa biro; hates it when Wanda reads his diary
-- “ang batang walang kaaway, dakilang kapatid”
-- lies occasionally kung bakit siya late umuuwi kasi nagpupunta siya sa zoo o anumang pasyalan ng pamilya
-- pivotal character: ang matandang bading na mag-aaya sa kanya ng oral sex, si Mrs. Crisologo, ang adviser na nakapansin ng weight problem ni Dave; si Konrad, ang best friend niyang kapitbahay
Defining moment: Sa sinehan, hinaharass ng matandang bading, bibigay, magtatabi sila sa loob ng sinehan, diring diri siya sa sarili pagkatapos
Hero – prefers to sleep beside his mother, very malambing, nakangiti pa rin kahit natutulog
-- loves soya, iced tea, anything with chicken, chocolate, medyo matakaw at may tendency na hindi magtira para sa iba
-- can do a mean impersonation of his father when drunk
-- level of discomfort: heights
-- “ang batang matabil, the great impersonator”
-- kapag nagagalit, linulukot ang sariling litrato
-- pivotal character: ang kababata niyang si Jed na unang nagsabing bastardo siya, si Fr. George, na natutuwa sa kanyang pamamaraan ng kumpisal, si Han, ang art teacher niya na bilib sa mga drowing niya
Defining moment: May sinulat na tungkol sa pamilya, ididiscuss ng teacher sa mga magulang sa PTC, at tiyempong nasa library siya. Bigla siyang tatakbo patungo sa playground, makikipaglaro na parang wala lang.
Papang – sleeps on a very narrow, spartan bed, prays the rosary, looks at the calendar, checks out the month kung sino sa mga kamag-anak niya ang may birthday o annibersaryo para pag nagising siya kinabukasan, maipagpapamisa niya. Can sometimes fall asleep watching tv and has to be escorted to bed.
-- dahil matanda na mahirap hulihin ang gusto sa pagkain, pero mas gusto niya ang simpleng laga kaysa sa mga fancy na lutuin, mahilig bumili ng alimasag, prutas, gulay para sa pamilya, siya ang namamalengke lalo na kung nakuha niya ang pensiyon niya.
-- umiinom paminsan para makalimutan ang problema, sa tindahan ni Manong, na kakutsaba niya, tagapagtago ng mga bote ng beer
-- level of discomfort: nosy doctors who recommend many treatments, loud music in malls, watching war movies
-- “ang beterano, ang John Wayne ng Pinasling”
-- secretly wishes na payagan na siya ng kanyang mga anak na makapag-asawa muli
-- pivotal character: si Farah, ang alcoholic na naging nurse niya; si Manong, na confidante niya, si Mercedes, na nag-alaga sa kanya, si Manang Belen, na nag-asikaso ng papeles niya.
Defining moment: ang pagtulong niya sa maglola na nakisukob sa bahay nina Wanda. As proof of her utang na loob, sasabihin ng lola kay Papang na puwede niyang ampunin ang apo at ito na ang mag-aalaga. He would refuse the old woman, at on that very afternoon, bibigyan niya ng malaki-laking halaga para makatulong. Galit na galit si Wanda sa kanya pagkatapos.
Sa draft na ito, importanteng hindi pakawalan ang punto kung bakit linalahad/sinasalansan ang lahat ng mga defining moments na ito, at iyon ay para ihanda ang mambabasa sa kumpruntasyon. (Itutuloy...)
Friday, March 7, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)