Paano ba magdiriwang ng 25 years na wedding anniversary sa panahon ng krisis? Simple. Tumutok lamang sa kung saan nagsimula -- sa pamilya, at sa pagmamahal. Kaya siguro kailangang matutunan ng tao ang pakikibagay, pakikisama, paglulugar. Kasi, kung hindi niya ito alam, mas malamang sa hindi, mahina o marupok ang pundasyon ng pamilya niyang pinanggalingan, at ligaw pa siya sa kahulugan ng pagmamahal. Kanina, habang tinitingnan namin ang mga photo albums ng pagsasama nina Meong at Jessica, natunghayan ko rin sa mga litrato ang paglaki ng mga bata, ang pagtanda ng mga kaanak, ang itsura ng mga dating tahanan, ang mga mukha ng namayapa. Totoo, isang immigrasyon din iyon sa nakaraan. At ako, dahil kailan lamang talaga naging kabahagi ng pamilyang nasabi, ay hindi tampok sa mga litratong iyon. Pero nakilala ko ang mga mukha ng aking mga pamangkin, ng aking asawa, ng aking mga kinakapatid, bayaw, hipag, biyenan.
Naroon pala ang nawawalang kapiraso ng nobelang natapos ko na. Marahil, hindi na ito maisasama pa sa final na manuskrito. Parang nahiya ako sa sarili kong nagawang bersiyon. Noong kinukuwento na ni Bert 'yung kabataan nila bilang magkakapatid, kung paano bsila pinalaki bilang mga anak ng sundalo, hindi ko nakita 'yung implikasyon na may kapalit ang nomadiko nilang buhay. Sa bawat bayan na hinimpilan ni Papang bilang opisyal, may kaanak na pumupunta para dalhin ang ilang sako ng bigas, gulay, at anumang ani mula sa lupain ni Baeng. Hindi mapalawig ni Bert ang memoryang ito dahil ayon na rin sa kanya, naglalaro lang siya ng holen noon. Pero sa alaala ni Nick, o nina Des at Ex, maliwanag iyon. Hindi masarap ang guwardiyado ang kilos, sabi ni Ex. Kalaro ko ang mga guwardiya, sabi ni Des. Nasaksihan ko kung pa'no mag-imbestiga si Papang, sabi niya. Aksidenteng mapadpad siya sa bahaging iyon ng kampo. Nasilip niya mula sa bintana ang isang taong nakaupo sa yelo, hubad. Galit na galit si Papang sa pagpapabaya ng guwardiya kay Des. Bakit ba siya nakarating doon? Nalampas na niya ang zone na hindi na niya dapat pang tinawid bilang musmos. Narito sa anekdota ng aking hipag ang isang mayamang kuwento, pero hindi ko na naisama. Huli na ng naisalaysay sa akin. At muli, kailangang pairalin rin ang balanse ng etika at sining. May sinasabi si Bert kanina na hindi niya malilimutan ang isang pagtigil ng pamilya sa bahay ni Baeng -- ito na ang panahong magdedesisyon na si Mamang na manatili sa Gerona. Umiral ang kapangyarihan ni Baeng bilang matriarch. At dahil nanganganib ang buhay ng kanyang pamilya, sumuko si Papang na tumigil na sa pag-iimbestiga sa smuggling, at manatili na sa bahay ni Baeng. Talagang pumapangalawa lamang ang anumang pagsasalaysay ng buhay sa materyal ng buhay mismo. Napaka-hitik sa kuwento, pero kulang ang mga salita. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita talaga nang husto ang itsura ng aking biyenang babae, na hindi ako pinalad na makilala. Mukha siyang masungit sa ilang litrato. Nagbiro si Bert, nakunsumi raw kasi sa mga anak. Tawanan ang mga nakarinig. Alam kong may hindi pa nabigkas na kuwento si Bert, at alam kong hindi ko kailanman malalaman ang buong kuwento.
Siguro, ang konsepto ng buong kuwento ay hypothetical rin, parang blackhole na hindi naman talaga napasok ninuman pero andu'n lang 'yung konsepto, parang isang kisame na maaring pagbatayan ng tayog ng implikasyon.
Napaka-palad nina Meong at Jessica sa kanilang pagsasama, at nagpapasalamat ako na naging inspirasyon rin sila sa amin, bilang pamilyang nagsisikap, nagpupunyagi.
Saturday, May 31, 2008
Friday, May 30, 2008
Pagbawi ito mula sa matagal ring pananahimik. Napagod ako sa natapos kong manuskrito. (Napakakakatwa na tinatawag iyong manuskrito, parang sinulat-kamay ko talaga sa papel.) Sa totoo lang, naging halos ganoon ang proseso. Hanggang ngayon, kahit na masasabing nabawi ko na ang puyat ko ng sunod sunod noong nakaraang buwan, nagigising pa rin ako na tila naalimpungatan sa mga salita. Namemorya ko na ang ilang bahagi ng nobela, parang noong aking kabataan na memoryado ko ang aking mga dula. Paulit ulit ko kasing rinebisa, inawat ko na nga lang ang sarili sa pagkukutingting at baka hindi na ako makatapos. Ngayon, panibagong problema ulit. Isang introductory essay ang dapat kong matapos, bago sana magpasukan. Pero alam kong hindi ito realistiko dahil ilang araw na lang at magbubukas na ang klase. Natagalan ba ako sa pahinga? Sa totoo lang, kahit hindi na ako halos lumalabas ng bahay, tila kulang pa ang recharging na iyon.
Naibsan ang aking pag-aalala sa linipatang eskuwelahan ng aking anak. Mas nagustuhan niya ang estilo ng pagtuturo. 'Yun nga lang, nagkaro'n ng buwis sa kanya 'yung pagiging kampante niya sa pag-aaral noong unang taon. Malaki'ng ibinaba ng grado niya sa karamihan ng kanyang mga subjects, natuklasan na niya ang halina ng bulakbol, napabarkada sa isang kabataang Koreano na kasingkulit niya, nalikwas sa mga maling kaibigan na mahilig lang magpalibre at magturo ng kalokohan, kagaya ng iba't ibang estilo ng pangongopya, na estilong Escalera brothers pa ng Iskul Bukol noong 70s. Pero hindi ito ikinasasama ng aking loob. Ganu'n talaga, kahit anong pag-aalaga ang gagawin mo, hindi naman siya lalaki kung hindi niya magigiit ang sarili niyang buhay. Sa darating na pasukan, harinawa'y hindi maging ningas kugon lang na tuturuan siya ng aking asawa sa Math. (Hindi ito maiasa sa akin na ilang beses na kumuha ng Math 11 at Stat. 101. Na sa huli, bilang pasaway, nagdala ako ng adding machine sa klase sa exam sa halip na calculator para lang mang-inis.)
Umattend kami ng closing ceremony ng kanyang summer enrichment. 'Yung usual na eksena -- speech, talent showcase, bigayan ng sertipiko. Naghihintay ako ng inaantok na talumpati, pero natunugan ng mga tagapagsalita na limitado ang attention span ng mga bata at magulang, kaya hindi na nila iyon pinahaba. Ang temtasyon na ipagmayabang ang pagbibiyahe sa ibang bansa ay napigilan sa pagbabahagi ng mga postcard, at sa halip ay tumutok lang sa mga pahapyaw na impresyon ng sistema ng edukasyon sa US at Pilipinas. 'Yung usual na kulang man tayo sa fasilidad at teknolohiya'y may lamang naman tayo sa talino. 'Yung talent showcase ang matindi. Pachelbel ni Bach na sintunado. Ang walang kamatayang Ice Castles. Mabuti't hindi na binigyan ng interpretative choreography. (Nahawa ako sa pagtataray ni Simon Cowell, pasensya na. Pero torture ang maging audience ng isang kabataang illusyonadong marunong siyang tumugtog.)
Nagligpit rin ako ng mga kalat. The usual na uminit muna ang ulo ko, tapos sugod na sa pagtatapon at pagdedespatsa ng mga itinagong hindi naman mapapakinabangan. Lumuwag ang library. Nangako ako sa nanay kong isosoli ko na lang ang mga libro ng tatay ko. Baka mas maalagaan pa niya. Nalungkot ako sa mga lumang sertipiko ng Palanca na hindi na talaga maisalba. Noon, buong yabang itong nakasabit sa bahay ng mga lolo ko sa Alua. Nang mamatay ang mga magulang ng aking ama, ibinalik sa amin ang mga sertipiko. Hayun, unti-unting nalagas.
Kaya dapat marunong talagang magligpit at magpahalaga sa mga bagay.

Subscribe to:
Posts (Atom)