Kasesend ko lang ng personal na mensahe sa dati kong estudyanteng umutang sa student loans ng UP noong 2005. Tubong Silangang Samar ang dati kong estudyanteng ito, na noo'y bakas sa mukha't pangangatawan ang paghihikahos. Working student siya sa mga panahong iyon, kaya hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya sa kanyang kagipitan. Pero kagaya nga ng sinasabi sa Florante at Laura, mag-ingat sa mga taong magigiliw ang bukas ng mukha. Pagkatapos niya ng kurso sa Malikhaing Pagsulat, exit frame na rin sa responsibilidad sa pautang. Naiwan ang guro na magbabayad. Sa tingin ko, hindi tama ito. Masidhi ang naramdaman kong inis kanina, nang makatanggap na naman ako ng notisyo galing sa unibersidad na nagpapaalala sa aming mga bayarin. Nakakainis ang kapirasong papel na iyon, na alam kong nanggaling rin sa opisinang hikahos rin, batay sa itsura ng pagkaka-imprenta. Dot matrix pa ang ginagamit na printer habang talamak na ang laser printers sa paligid.
Nakalulunos na ito pa ang ibinubunga ng pagkukusa ng mga gurong makatulong sa mga estudyanteng nangangailangan. Kamukat mukat, nang tiningnan ko ang Multiply site ng nasabing estudyante, nakakagimmick pa siya sa Eastwood at pumupunta pa sa konsiyerto ni Alicia Keys. Halatang ito na ang lifestyle ng mga nagtratrabaho sa callcenter. Kahit ang wikang nakasulat sa kanyang personal na blog site ay Ingles na. Salamat naman at kahit naninigas ang estilo'y hindi naman pumalya sa grammatika. Nakuha ko pang mag-alala sa pagkalamog ng banyagang wika, sa lapat ng isang kamalayang minsan ko ring naturuan ng Panitikan at Pagsulat sa kanyang kabataan.
Mas malala ang nangyari doon sa isa ko pang tinulungan. Ni hindi ko ito naging estudyante, pinsan siya ng naging estudyante ko, na hindi ko na matandaan ang pangalan. Sinubukan kong halughugin ang hinayupak sa mga search engines na taglay ng cyberspace, pero para akong naghanap ng initsang classcard sa limbo. Provincial address ang nakasaad sa papel. Sa Binangonan Rizal. Sa presyo ng gasolina ngayon, aabutin siguro ng anim na raan ang isang sadyang pagpunta doon, na walang katiyakang makasisingil, o kahit ang identipikasyon na doon nga talaga nakatira. Leksiyon ito sa hindi pagtitiwala. Leksiyon ito na masakit sa bulsa.
Lumalabas na hindi ako nag-iisa sa kalagayang ito. Ang isa, sabi niya sa akin, kaibigan pa raw niyang matalik ang bata (sa akala niya) dahil madalas itong tumambay sa kanyang sulok sa opisina, nakikisagap ng balita't tsismis, nakikiload pa. Iyon pala'y tatakbuhan rin ang nagmabuting loob na kawani. Gayundin ang nangyari sa dalawa ko pang nakausap na guro. 'Yung isa, nagtiwala sa apelyido ng isang pinagpipitaganang manunulat, sa pag-aakalang ang anak nito'y marunong ring kumilala ng kompromiso. Sabi nu'ng isa pa, lumalabas na burgis 'yung pinautang niya't kayang kaya namang magbayad pero dinadaan sa kapal ng mukha ang paglimot. 'Yung isa naman, na guro sa dula at direktor, ay nakuha pang puntahan sa Cubao ang tirahan ng estudyante, para lamang matuklasan na sa loob ng mga eskinita'y naroroon ang angkang hindi na magkandaugaga sa gastos, wag nang banggitin pa ang magpaaral. Nagbiro ang huli na wala naman siyang nahita sa karanasan, kundi marahil pasakalye sa isang nobela. Pansamantala akong natawa, ngunit hindi naibsan ang ligalig at tanong.
Bakit hinahayaan ng unibersidad na makapagtapos ang mga nasabing estudyante na ito na hindi tumutupad sa kanilang mga pinangako. Bakit ang mga kawani at guro ang parurusahan para sa kapabayaan?
Wednesday, August 27, 2008
Tuesday, August 26, 2008
May giyera nang nagaganap ngayon sa pero heto pa rin ako sa aking sinusulat, tila walang pakialam. Ang totoo, napakadaling husgahan na tila hindi ako apektado sa mga nangyayari. Pero nakikini-kinita ko na kung saan ito posibleng humantong, gaya ng nakahihilong pag-uusap ng aking ina kasama ng aking kapatid. Diversionary tactic ang gulo para ipasok na naman ang isyu ng cha-cha. Minsan iniisip ko kung may lalala pa ba sa kanser na ito sa paligid, kung may bansa pa ba sa planetang ito na mas lugami. At alam ko namang mayroon. Mga ethnic cleansing sa iba't ibang bahagi ng Africa kagaya ng Somalia't Nigeria. Hindi pa naisasama ang gulo ngayon sa Georgia't Russia.
Ito ba ang dahilan kung bakit takot na takot akong pagkatandaan ng aking anak ang panahon ngayon? Ngayon pa lang, tila nanggaling na siya sa ibang planeta. Ayaw magbasa, ayaw gumawa ng homework, ayaw makialam. Mundo niya ang SIMs -- kung saan ikinaaliw niya ang paglikha niya ng mga weirdong tauhan na basta namamatay o pinapatay ng kung anumang estupidong dahilan. Mundo rin niya ang Dota. Baril, bomba, enemy missions. Kapag binuklat mo ang kanyang textbook, mga graffiti ng baril at binalbasang mga mukha ang makikita mo. Hindi ko na babanggitin ang mga mura at ang mga pagtatangkang lumikha ng rap song lyrics.
Sa maraming mga indikasyon, anak ko nga siya. Taglay ang tigas ng ulo, angas, at ang kumbiksyong babasahin lamang ang kung ano basta may silbi't pakinabang ito sa kanya. Pero kahit na nakikita ko ang sarili ko sa kanya, minsan, gusto ko na siyang ipaampon. Gusto ko nang idonate sa science. Kakatwa, kasi ang batang ito ang pinakamamahal ko. Siguro nga, ito na ang re-interpretation ng Frankenstein ni Mary Shelley. Hindi natin kailangang magkabit kabit ng mga body parts ng mga bangkay para lumikha ng halimaw. Kailangan lang nating maging mga mapagpanggap, mapanuri, at malulungkuting mga ina. Yes, nakikini-kinita ko na ang mga pagkalaglag ng mga panga -- lalo na para sa mga naniniwalang ang pagiging ina ang pinaka-fulfilling moment ng pagiging babae.
Isipin ninyo: kung walang katiyakang mareresolba ang problema sa Mindanao, kung pabulusok nang pabulusok ang piso, kung ang mga taong nakaupo ay walang pakialam sa paghihikahos ng mga pinamumunuan, at ang mga tao'y patuloy lang sa mga buhay nila ng tahimik na desperasyon, mag-aanak ka pa ba?

Sunday, August 24, 2008
Amoy hasang at bulok na daga ang sala. Tila sadyang may nag-iwan ng mensaheng itim. Pagkaagnas? Panglalait ng kalat? Pagpapatalsik ng dumi? Isang tahimik na impeachment?
Bakit ako nagsusulat muli sa blog na ito na gusto ko na ring burahin? Nagtatagisan na naman sa sarili ang hangad na may makausap, at ang hangad na huwag nang makiugnay sa kahit sinuman. Alinman ang piliin kong tindig, lagi na lang akong nahihirapan. Social retardate. Bagay lang yata ang blog sa mga palakaibigan at matsikang tao. Hindi para sa akin na ni hindi marunong magtanong at mambara sa mga taong nakakabuwisit.
Naging paalala ang trahedya ng kaibigang namatayan ng magulang para dalawin ang sariling ina. Kagaya ng dati, wala naman akong naabutang iba. Nagluluto pa rin siya ng hapunan, hiwa na ang karne (baka siguro), binudburan na niya iyon ng sangkaterbang kalamansi, toyo at paminta. Kasalukuyan siyang sumusukat ng kutsaritang asin nang umupo ako sa hapag. May patse patse ng tubig ang mesang bilog. Wala na namang nakaisip pumunas, nasa labas ang mga kasambahay, sinamahan ang kapatid ko't bayaw na nagsimba.
Nakisali na naman sa usapan yung isa ko pang kapatid, siyang pinupudpod ang bumbunan sa tuwing tinutubuan iyon ng buhok. Siya ang garantiya na lalayo na naman sa pinatutunguhang direksiyon ang usapan. Siguro, kung maisasama lang siya sa anumang textbook ng literary devices, siya 'yung "Interruptions". Napaka-essensyal para sa paglikha ng dialogue, pero napakahirap matutunan kung paano titimpiin oras na gamitin bilang device. Kahit na nalihis na naman ang aming pinag-uusapan na mag-ina, naaliw ako sa aking kapatid. Ikinaaaliw ko rin ang mga walang kawawaang mnga tanong -- kung nagcocoloring book pa ba ang mga bata hanggang ngayon, na lilipad patungo sa mas gusto niya ang komik strip ng Baltik and Co. kaysa sa Pugadbaboy na masyadong intelektwal na lilipad sa pagbili niya ng isang supot ng sigarilyas at tuyo, para lang patakamin ang aking asawa.
Ang aking asawa, na hindi na natuto sa daloy ng mga ganitong kumbersasyon, na kakagat pa rin sa mga sinasabi ng aking kapatid, para lang mapikon sa kumbersasyong dinesenyo para maligaw at makatanggal ng ulirat. Mabuti na lang nakikita pa rin ng nanay ko ang humor. Kahit na abala siya sa pagluluto. Kahit na siguro araw araw na lang na ginawa ng Diyos na ganito ang likaw ng usapan.
Pero mabuti na rin ang eksenang ito kaysa ang kulitan nilang mag-ina tungkol sa paghingi na naman ng kapatid ko ng pera para lumabas o bumili ng kung ano. Ayokong ayokong naririnig silang nagsisinghalan, pagkat tila nababalik ako sa mga eksenang inalis ko na sa libro, sa album ng pamilya sa utak. May kinukutingting ang bunso namin sa kanyang workshop. Nakakatawang tinutukoy ko siya ngayon bilang bunso, samantalang higit dalawampu't lima na ang gulang niya. Umupo rin siya sa hapag kanina, pero matapos ang maikling usapan sa delay ng sahod niya bilang guro sa Baguio, umalis na siya sa eksena't nagtungo na sa kanyang workshop. Natatanaw ko siya roon mula sa kinauupuan ko sa kumedor.
Naging estranghero akong dumadalaw sa bahay paminsan minsan.
Gumiginhawa kahit paano ang pakiramdam sa pagsusulat dito.

Subscribe to:
Posts (Atom)