Bumili ako ng cake kanina, at dinala ko iyon sa eskuwelahan ng aking anak. Hinarang ako ng guwardiya -- "Saan po ninyo dadalhin?" ika niya. Sabi ko, "sa office, kay Mrs. Santos." Parang isang kaanak ako na dumadalaw sa bilangguan. At 'yung pangalan na iyon -- Mrs. Santos -- ang password sa eskuwelahan. Hindi na nagulat ang principal sa aking pagbabalik dahil noong isang araw naroon na kaming mag-asawa. Originally, magtatanong lang kami ng pointers for review para sa eksamen na hindi na nakuha ng aking anak. Natuklasan namin ang eksaktong dilemma ng bata. Hindi na ako nagtaka kung bakit sumasakit ang ulo ng batang iyon. Nagtambakan ang mga proyekto at ang haba ng listahan ng mga irereview. Iniisa isa ang pagpupulong sa mga guro. Pinatawag ang bawat isa. Nang makauwi kami ng bahay, ang sabi sa akin ng aking asawa, baka kami lang ang pinulong ng ganito sa mga magulang. Sa palagay ko'y tama siya. Kaibigan ng pamilya ang legal counsel ng eskuwelahan at nu'ng huling pagtatagpo ni Bert sa admin., hindi na siya nag-atubiling sabihin ang pangalan ng abogado, bilang leverage.
Ngayong naikukuwento ko ito ngayon sa blog, parang endemiko na ang corruption sa pakikitungo sa mga tao, on a day to day basis. Naalala ko tuloy nang maging estudyante ko sa isang writing class ang anak ng mayor. Pagkatapos ng klase, lumapit sa akin at binati ako ng Merry Christmas, sabay abot ng isang kahon ng imported na tsokolate. Ibinigay niya iyon nang nakikita ng iba pang mga kaklase, pero wala namang pumansin. Pagkatapos, parang weird 'yung pakiramdam ko. Naulit 'yung feeling na yun kanina, nang ako naman ang nagbitbit ng cake at regalo para sa adviser ng aking anak. Walang dudang suhol.
Sumasabay ang mga pangyayaring ito habang rinerebisa ko ang nobela. Malaking tulong ang isang reference na nakita ko, simple lang ang titulo: Plot. It turns out na linalabag ko ang maraming mga don'ts sa pagsasalaysay. 'Yung huli ko ngang pinost na blog, napaka-pangit pala. Pero hintay muna, fiction fatigue ito, pagkabalahaw sa gitna. Ang solusyon: ibukod ang mga bahagi ng draft na nakakasagabal sa pagpapatuloy ng totoong kuwento, ng tunay na gustong sabihin ng teksto, at hindi iyong pinipilit sabihin ng writer. Bawasan ang mga shifts, at alisin ang mga unnecessary interruptions. Higit sa lahat, isulat talaga ng mabuti ang mga set pieces. Ito pala 'yung teknikal na tawag du'n -- parang katumbas ng obligatory scene sa pagsulat ng dula. Ito 'yung mga kumpruntasyon na pinahihiwatig. Ang nangyayari, hindi ko pala itinutuloy. Akala ko, maari namang ipalagay na "katahimikan" iyon na pupunuin na lang ng mambabasa. Bukod sa maaring basahin bilang katamaran, it seriously undermines the crafting kasi hindi ko pa pala nasusulat ang dapat na masulat na mga kumpruntasyon.
May mga naiisip na akong mga set pieces na dapat na lumabas, at least sa bahagi ng Pasakalye:
1. Ang kumpruntasyon nina Pele at Leon, lalo na pagkaraan ng pagkawala ni Alejandria, at lalo na pagkaraan ng digma, kung kailan patapos na ang hawak ng kapangyarihan ni Pele.
2. Ang pagbabalik ni Alejandria matapos nitong maglaho, at kung papaano sila magkikita ni Leon.
3. Ang pagtanggap ng pamilya ni Alejandria sa kanya pagkaraan ng lahat.
4. Ang pagkikita nina Concha at Leon -- bago ang malubhang pagkakasakit ng una
Subplot pa rito 'yung kuwento ng paglalakad ng dokumento ni Papang, kung paano niya natanggap ang kanyang wartime compensation. HIndi sapat na expository lang 'yung pagkakasulat -- hinihingi 'yung eksaktong eksena.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment