Wednesday, January 16, 2008

Gym

I have an aging body, and I'm fully aware of it. Of course this shape would soon fall apart, being female and married guarantees that. Kapag pumupunta ako sa gym, alam kong ang binabayaran kong monthly charge doon ay hindi lang sumasaklaw sa paggamit ng equipment kagaya ng treadmill o exercise machines, hindi lang para sa pagligo mo sa mga shower rooms na laging tamang tama ang init ng tubig, malinis na banyo, malinis na locker rooms. Kasama rin sa binabayaran ko marahil 'yung illusyon na, may ginagawa ako para patagalin pa ang proseso ng pagkaagnas ng katawan kong ito. Kaya, lagi kong iniisip na masaya mag-gym. Susunduin ako ng kapatid ko, naka-taxi na siya. Lagi na lang akong nashoshock sa itsura niya: pinupudpod niya ang buhok, dahil anya'y gusto niyang kapag hinahaplos niya ang batok niya, may nararamdaman siyang tumutusok tusok. Lagi rin siyang nakikipag-chikahan sa driver, na parang tv talkshow host na namimingwit ng mga puna sa gobyerno, sa mga politiko, sa mga artista. Lagi rin namang magiliw ang tsuper sa komentaryo. Pagkababa, ako ang magbabayad. Ngingitian na lamang ako ng kapatid ko.

I don't do any special exercises. Basta, pumupunta lang ako sa treadmill, i-oon ko ang mp3 player, at 'yun na, I space myself out. I like the fact that I chose the music myself. Linulunod ng tunog ng mp3 player ko 'yung upbeat, 'yung nakakapagpalakas ng pintig ng puso na beat ng dance music. Techno ba 'yung tawag nila ro'n? Hindi ko na alam, at hindi ko na rin ma-appreciate. I knew that tumanda na talaga ako nang hindi na ako makarelate sa bagong mga tunog, sa bagong mga banda. Pinakamahusay sa akin 'yung e-heads, 'yung simon and garfunkel, at oo, may asin pa at johnny cash sa player ko. Habang nakatutok ng mga mata ng mga nag-eexercise sa gym, may isang dosenang tv screen na nagpapalabas ng iba't ibang mga programa mula National Geographic hanggang CNN hanggang BBC hanggang anime o talk show. Gaano kaya kalaki ang bill ng kuryente ng ganitong establishment. Parang ako lang ang nag-aabala pang mag-isip nito. Parang kuntento na sila -- mga lalaking nasa 30 hanggang 50 anyos na butod na ang mga tiyan sa exercise ng inuman, mga babaeng nasa 40 hanggang 50 na nag-oopisina rin marahil o mga housewives ng mga OFW, mga batang nasa 20 o kalalabas lang ng kolehiyo, nagtratrabaho sa call center o nasa kalagitnaan ng transisyon mula kolehiyo tungo sa "tunay na buhay". Honestly, wala naman akong tunay na ideya kung sino nga ba sila, itong mga nakakasabay ko sa gym. Hindi naman ako palakaibigan, at hindi ko masakyan ang pagka"friendly" ng iba, at ewan ko ba kung akin ngang ikalulugod na malaman na kaya pala ako kinakausap ay para bentahan lamang ng low fat na cheese dip, track suit, kuliling accessories para sa belly dancing, o alukin ng masahe sa bahay. Mas direct ang paraan ng kapatid ko para mangsupalpal. "Bakit ka naka-rollers?" ang tanong niya sa isang ale sa fitting room na naglatag na ng iba't ibang mga hikaw at sizes ng leggings. Nawala 'yung illusion ng female camaraderie. Nagligpitan ng gamit, bye, at nakalabas na pala sila sa locker room, kasabay ng pag-off ng blowdryer.

Minsan, may nakita akong babae na umiiyak sa sofa. Kagagaling ko lang ng shower room. Maaga akong nag gym at hindi ko nakasabay ang aking kapatid. I wasn't expecting anything out of the ordinary. But there was that woman, alone, nasa coral sofa, naka-fetal position pa nga, humahagulgol. Naghohormone therapy? Menopausal? Depressed? Stressed? Walang lumapit. Lahat ay nagkunwaring abala sa pagliligpit ng gamit -- binubuksan ang mga locker, tinitiklop ang mga tuwalya, sinusuksok sa plastik ang mga tsinelas, binabalik sa vanity case ang mga sachet/o bote ng shampoo, lotion, sabon, sinasara ang mga locker pagkaraan. 'Yung dryer, parang nanlilibak pa 'yung tunog sa umiiyak na babae, parang sinasabi, "ano, 'kala mo ba, madaling maging fit? Bzzzh bzzzh..."

I never saw that woman again. And I wonder if she did think that her body was also aging, just like everybody else.

No comments: